Sugatan din ang isa sa tatlong supek matapos na makipagpalitan ng putok ang inambush na Bokal.
Sa nakalap na ulat kay Laguna Provincial Director Senior Supt. Gilbert Cruz, namatay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan si Laguna 3rd District Board member Reynaldo Paras. Una namang nasawi matapos mapuruhan ang driver nitong si Geovanni Dumaraos.
Sugatan ang nasakoteng suspek na si Eugene Bacoto,at sinawimpalad na mamatay habang nilalapatan ng lunas nitong Hunyo 8.
Dakong alas-8:10 ng gabi nang maganap ang insidente habang sina Paras at driver nito ay lulan ng kanilang behikulo at bumabagtas sa kahabaan ng Bonifacio Street, Brgy. VII C sa nasabing lungsod nang paulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan. Ayon sa opisyal, sa kabila ng sugatan ay nagawang makipagbarilan ni Paras na ikinasugat ng isa sa mga suspek na inabandona ng mga nagsitakas
nitong kasamahan.
Ang suspek ay nasakote sa lugar habang namimilipit pa sa tinamong sugat sa kaniyang katawan. Nagsasagawa na ng follow up operation ang mga- awtoridad para sa ikaaaresto ng iba pang mga nakatakas na suspek.
Samantala, naglaan ng pabuyang P800,000.00 sina Laguna Governor ER Ejercito at San Pablo City Mayor Vicente Amante para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaresto ng mga pumaslang kina Laguna 3rd District board member Reynaldo Paras at driver-bodyguard nitong si Giovanni Dumaraos sa San Pablo City. Ang pabuya ay nagbunsod matapos sampahan ng kaso nina Senior Superintendent Gilbert Cruz, Laguna Police Director ang mga suspek na nak ilalang sina Eugene Bacoto, 25, Ricky Valdez alias “Avatar” at isang “Boknoy”, pawang mga residente ng Dasmariñas, Cavite. Ang tatlong suspek ay ang itinuturong responsable sa pagpatay kina Paras at Dumaraos, magugugnitang tinambangan sina Paras at Dumaraos habang binabagtas ng mga ito ang Bonifacio St., Barangay VII-C, San Pablo City noong Hunyo 6 ng gabi.Sa insidente ay dead-on-the-spot si Dumaraos matapos magtamo ng mga tama bala ng baril sa kanyang katawan samantalang namatay naman habang ginagamot sa San Pablo Medical Center si Paras noong Hunyo 7, Samantala, namatay naman ang suspek na si Bacoto nitong nakalipas na Hunyo 8 sa ospital matapos mabaril ni Paras nang maganap ang ambush. Ayon kay San Pablo Chief of Police Superintendent Ferdinand De Castro, kumakalap pa sila ng mga ebidensya laban sa anak ng isang pulitiko sa Laguna na posible umanong may kinalaman sa pagpatay kina Paras.
BOARD MEMBER; DRIVER BODYGUARD, TODAS SA AMBUSH
│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 49 June 17-June 23, 2012 issue
No comments:
Post a Comment