SILANG, Cavite–– Hindi umabot ng buhay sa pinagdalhang ospital ang isang seaman, makaraang barilin ng isang rider na nakagitgitan nito sa daan sa Blumentrit St., sa Brgy Tubuan, 3, Silang, Cavite.
Kinilala naman ang supek na si Emer Delos Reyes,40, na mabilis na tumakas lulan ng kanyang motorsiklo MIO na walang plaka residente ng nasabing lugar.
Base sa ginawang imbestigasyon ni SP01 Edgar Belza, ganap na alas-8:00 ng umaga nang maganap ang insidente, sinasabing sakay ang biktima ng kanyang tricycle RUSI (DY 4275) patungong hilagang direksyon nang makagitgitan nito ang suspek na sakay naman ng kanyang motorsiklo.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at kaagad na binaril sa ulo ang biktima. Tugis ng mga tauhan ng pulisya ang suspek upang panagutin sa pamamaslang.
AWAY TRAPIKO: SEAMAN BINARIL DEDO
By: CRISTY D. GARCIA │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 49 June 17-June 23, 2012 issue
No comments:
Post a Comment