IMUS, Cavite–– Pinaniniwalaang napagtripang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang 45-anyos na mister ng isang lalaki na sinasabing adik sa bawal na droga sa Barangay Malagasang 1-E sa bayan ng Imus, Cavite Mayo 28 ng gabi.
Tama ng bala sa ulo ang nagwakas sa buhay ni Dennis Aquino, 45, may-asawa, ng Soldiers Hills P4, Las Piñas City.
Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Rolando Dayrit, 58. Sa imbestigasyon ng pulisya, dumalaw ang biktima sa kanyang ina, at ng makita ng mga kaibigan ay niyaya itong makipag inuman ng lapitan at pagbabarilin ng suspek.
│ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 47 June 03-June 09, 2012 issue
No comments:
Post a Comment