PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

4 NA WANTED NAARESTO


Cavite City - APAT  na kalalakihan na may kinakaharap na ibat ibang kaso ng mga elemento ng Warrant Section ng Cavite City PNP sa isinagawang magkasunod na operasyon sa iba't ibang  barangay sakop ng kanilang area of responsibility.
     Sa ilalim ng direktang superbisyon ni P/Supt. Rommel Laconsay Javier, hepe ng pulisya, naaresto nina PO2 Sonny Boy Monzon at PO1 Edgie Portacio nitong nakalipas na Abril 30, bandang alas 4:00 ng hapon ang isang Rodel Buenavista y Caranza, 20, binata, jobless, residente ng Barangay 48-A Bagong Pook San Antonio sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Theft ssa ilalim ng Criminal Case Number B-2006-595 na may petsang Pebrero 23, 2012 na inisyu at nilagdaan ni Hon. Judge Matias M. Garcia II RTC Branch 19 Bacoor Cavite na walang kaukulang piyansa.
     Mayo 1 bandang alas 10:40 ng umaga sa Barangay 59 San Jose Cavite City naaresto ang isang Anastacio Romubio y Abales, 32, binata construction worker, residente ng nasabing barangay, sa bisa ng Warrant of Arrest sa paglabag sa Article 318 Revised Penal Code ilalim ng Criminal Case Number 09-406 na may petsang March 14, 2012 na inisyu at nilagdaan ni Hon. Judge Adeliza H. Magno-Gingoyon MTC Fourth Judicial Region Bacoor Cavite na may kaukulang piyansang P2,000.
     Naaresto din ang isang Robert Baladad y Reyes, 47, may asawa, driver residente ng 1575 Julian Felipe Boulevard, Barangay 46 San antonio Cavite City sa bisa ng Warrant of arrest na kasong Reckless  imprudence Resulting to Damage to Property sa ilalim ng Criminal Case Number 106-2011 na may petsang September 06, 2011 na inisyu at nilagdaan ni Hon. Judge Manuel D. Noche MTC Branch 2 Cavite City na may kaukulang piyansang P10,000. Samantalang naaresto nitong nakalipas na Mayo 2 bandang alas 10:00 ng umaga  sa bisa ng Warrant of Arrest sa ilalim ng Criminal Case Number 76-12 na inisyu at nilagdaan ng Hon. Judge Agapito S. Lu ng RTC Branch 88 Cavite City April 16, 2012 ang isang Roger John Almario sa kasong Robbery.
     Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa himpilan ng pulisya hababang hindi pa nakapaglalagak ng kaukulang piyansa.
By: REY MORALES │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 43 May 06-12, 2012

No comments:

Post a Comment