PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

4 NA BABAE ARESTADO SA KASONG PROSTITUSYON


CAVITE CITY–– Apat na kababaihan ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya sa kampanya kontra prostitusyon sa  Dra. Salamanca Road San Antonio Cavite City nitong nakalipas na Mayo 23, bandang  alas 3:00  ng madaling araw. Sa direktang superbisyon ni P/ Supt. Rommel Laconsay Javier,hepe ng pulisya, inaresto nina P/INSP. Jonathan Estrada, PO3 Abner Pacumio at PO1 Phillip Anthony Perio ng Mobile Patrol Section ang mga suspek na sina Harlene Hernandez, 21, single, tubong Buenavista Quezon, residente ng Dra. Salamanca Road San Antonio, Rachelle Cruz, 21,single, residente ng Samonte park, Jacklyn Jasolin 25, single tubong Lucena City residente  ng Samonte park at CatherineLandicho 19, single tubong Davao City.

Sa  sinagawang imbestigasyon ni PO3 Michelle Pillega ng Womens &Children Protection Desk (WCPD)  Nabatid na isang impormasyon ang natanggap ng hepe,dakong alas 2:00 ng madaling araw  mula sa isang konsernadong mamamayan, na nagrereklamo tungkol sa mga babaeng nagbebenta ng panandaliang aliw.kasama ang ilang civilian assets ay tumungo sa nasabing lugar ang mga awtoridad. Sa nakalap na impormasyon, nakipag usap ang dalawang naka motorsiklong civilian assets sa mga suspek at ng umalis ang
mga assets ay sumunod ang 4 na suspek patungong Hides Hotel.Nang  magkasundo sa presyong P1,200 ang mga civilian assets at ang dalawang babae ay tumuloy sa inupahang kuwarto, makalipas ang ilang sandali sa pamamagitan ng hudyat sa  text message ng mga civilian assets sa mga awtoridad ay tinungo ang kuwartong inupahan ng mga assest at ng dalawang supek at doon ay inaresto na ang mga ito. 

Makaraan ay inaresto pa ang dalawang natitirang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya. Sinampahan ng kasong paglabag sa Paragraph 5 Article 202 ng Revised Penal Code (Prostitution) sa lokal na piskalya.
4 NA BABAE ARESTADO SA KASONG PROSTITUSYON
By: REY MORALES │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 46 May 27-June 02, 2012 issue

No comments:

Post a Comment