Rehas na bakal ang kinahantungan ng tatlong kalalakihan matapos maaresto ng mga elemento ng Cavite City PNP matapos nakawin ang dalawang baterya ng sasakyang Mitsubishi Canter na nakaparada sa may Lopez Jaena Street Caridad ng lunsod na ito nitong nakalipas na Mayo 27 dakong alas 2:00 ng hapon.
Sa nakalap na ulat sa tanggapan ni P/Supt. Rommel Laconsay Javier, hepe ng pulisya base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Jonathan Baclas, nabatid na isang tawag sa telepono buhat sa isang konsernadong mamamayan sa nakita nitong tatlong lalaki na binabaklas ang baterya ng isang Mitsubishi Canter na nakaparada sa nasabing lugar, makaraang makuha ang baterya ay umalis ang tatlo lulan ng isang mini bus na may plakang DWF 570, Matapos na matanggap ang tawag sa telepono ay kaagad na naglagay ng road block/ checkpoint sina PO1 Edgie Portacio at ang Mobile Patrol Division sa kahabaan ng Manila Cavite road na nagbunga ng pag kaaresto ng mga suspek na kinilalang sina Norberto Bucala y Buco, 27, bus driver residente ng Lopez Jaena Street, Ferdinand Hilario Corpuz 28, binata, jobless, residente ng Cañacao Bay Cavite City at Rodan Crisostomo Cruz 32, jeepney driver, Dalahican Cavite City.
By: REY MORALES │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 47 June 03-June 09, 2012 issue
No comments:
Post a Comment