PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

2 WANTED SA KASO SA DROGA NALAMBAT NG PULISYA


CAVITE CITY–– Dalawang lalaki na may kinakaharap na kaso sa droga ang nalambat ng pulisya sa isinagawang operasyon nitong nakalipas na Mayo 24.bandang alas 10:35 ng umaga sa may En En Grocery Barangay 59 San Roque Cavite City. Sa direktang superbisyon ni P/Supt. Rommel Laconsay Javier, hepe ng pulisya, armado ng Warrant of Arrest sina PO2 Sonny Boy Monzon at PO1 Edgie  Portacio naaresto ang mga suspek na sina Steve Rosales y Enriquez, 38, may asawa painter, residente ng 1039 Cabezas Street San Roque, at Jay De Leon y Enriquez 30, binata construction worker, residente ng 970 Inocencio street San Roque Cavite City. Sa bisa ng Warrant of Arrest  sa paglabag sa section 7, article II ng RA 9165 (possesion of illegal drugs) sa ilalim ng criminal case number135-12 na may kaukulang piyansang P120,000. Paglabag sa section 11 ng article II ng RA9165 sa ilalim ng criminal case number 136-12 na may kaukulang piyansang P200,000 violation of section 12 article II ng RA9165 sa ilalim ng criminal case number 137-12 na may kaukulang piyansang P40,000 na may  petsang May 3,2012 na inisyu at nilagdaan ni Hon. Judge Manuel A. Mayo ng RTC Branch 16 Cavite City. Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa himpilan ng pulisya.
By: REY MORALES │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 46 May 27-June 02, 2012 

No comments:

Post a Comment