PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

NEGOSYANTE AT SEKRETARYA BINISTAY NG BALA


LAUREL, Batangas–– Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga elemento ng pulisya sa  motibo ng pamamaslang sa isang  35-anyos na babaeng negosyante at sekretarya nito sa kanilang  bahay sa Barangay Balakilong sa bayan ng Laurel, Batangas nitong nakalipas na Enero 5. 

Ayon sa police report, nagtamo ng mga tama bala sa iba’t ibang  bahagi  ng katawan ang mga  biktimang sina Jocelyn Marquez at Aida Alimagno, 36, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Si  Marquez ay may-ari ng Amanceline Harvester at si Alimagno ang sekretarya nito.

Nadiskubre  ng helper na si Roy Salazar ang insidente kaya kaagad nitong ipinaabot sa pulisya kung  saan narekober sa crime scene ang mga basyo ng cal. 45 pistol.
page 9 -  
"NEGOSYANTE AT SEKRETARYA BINISTAY NG BALA  │ Operation Eposé VOL. 10  BLG. 28 ENERO 13-19, 2013